Mohit Dargani at Linconn Ong ng Pharmally, posibleng manatili sa bilangguan hanggang sa susunod na taon

Posibleng tumagal hanggang sa matapos ang 18th congress sa Hunyo sa susunod na taon ang pananatili sa Pasay City Jail ng mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na sina Mohit Dargani at Linconn Ong.

Sabi ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon, sa Pasay City Jail na rin magpa-Pasko at Bagong Taon sina Dargani at Ong.

Pahayag ito ni Gordon sa harap ng balita na hindi na raw lalahok o makikipagtulungan sina Dargani at Ong sa pagdinig ng Senado ukol sa umano’y mga iregularidad sa pagbili ng gobyerno ng pandemic supplies.


Giit ni Gordon, hindi uubra na hindi na sila humarap sa susunod na pagdinig bukas.

Ayon kay Gordon, kahit sila ay nasa Pasay City Jail ay nasa kustodiya pa rin sila ng Senado kaya susunduin sila ng mga tauhan ng Senate Sergeant at Arms para iharap sa pagdinig.

Dagdag pa ni Gordon, kapag hinarang ng abogado ang ipadadala kina Dargani at Ong sa Senate hearing, maaari din nila itong kasuhan.

Facebook Comments