Nakakuha ng 100% o perfect grade ang Valenzuela Hope Molecular Laboratory sa 2021 External Quality Assurance Program (EQA) result.
Kasabay nito ay ipinagmalaki ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang husay ng mga medical frontline workers sa kanilang molecular laboratory.
Kabilang sa isinagawang test procedures ay Nucleic Acid Extraction, PCR Mastermix Preparation, RT-PCR, interpretation at reporting ng resulta.
Ayon kay Gatchalian, regular ang isinasagawang assessment sa kanila ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Pinuri ng alkalde ang mga nagsasagawa ng swab test sa ValHope sa pangunguna nina Dr. Mel Fibra at Dr. Jaime Exconde.
Ang ValHope ang nagsasagawa ng lahat nang libreng swab test para sa mga residente na may sintomas at exposure sa COVID positive.