Molecular laboratory ng Veterans Memorial Medical Center, ininspeksyon ng IATF

Sumalang sa pagsusuri ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang itinayong molecular laboratory sa loob ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Gagamitin ang laboratory para isailalim sa pagsusuri ang lahat ng blood samples ng mga hinihinalang may COVID-19.

Sinabi ni National Task Force Chief Implementer Carlito Galvez Jr., na bukas din ang laboratory para sa mga uniformed personnel, senior citizens, at iba pang residente sa Quezon City.


Ang modular molecular testing laboratory ay kayang sumuri ng 300 hanggang 400 samples kada araw at maaaring makapagbigay ng resulta sa loob ng 24 hanggang 48 na oras.

Ito ay ipinagkaloob ng kompanyang Unilab at itinayo ng partner company na ENDEC at Global Medical Technologies.

Facebook Comments