Molecular laboratory sa Lungsod ng Muntinlupa, bukas na

Nagsimula nang tumanggap ng swab sample para sa COVID-19 test ang molecular laboratory sa Lungsod ng Muntinlupa.

Ayon kay Mayor Jaime Fresnedi, mabilis ang pagproseso ng mga swab sample kung saan sa araw mismo ng pagsumite nito ay makukuha rin agad ang resulta.

Nagkakahalaga aniya ng P3,800 ang test.


Pero zero billing naman para sa mga mahihirap na residente ng lungsod at makakakuha naman ng diskwento kung may PhilHealth.

Sinabi rin ng Fresnedi, tatanggap din ng out-patient swab testing mula Lunes hanggang Biyernes, maliban kapag holiday, simula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga.

Bukas naman ang nasabing laboratory mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Inilagay ang molecular laboratory ng Muntinlupa sa Saklolo at Gabay ng Ina at Pamilya (SAGIP) na nasa likuran ng Ospital ng Muntinlupa.

Para sa mga katanungan maaaring tawagan ng publiko ang Ospital ng Muntinlupa sa hotline number na 02-8771-0457.

Facebook Comments