Molnupiravir at Paxlovid, “game changer” sa laban ng bansa kontra COVID-19 – Dr. Leachon

Tinawag na “game changer” ng health expert na si Dr. Tony Leachon ang mga antiviral drug na Molnupiravir at Paxlovid.

Ang Molnupiravir ay gawa ng Merck & Co., na kayang bawasan ang banta ng posibleng pagkamatay o pagkaka-ospital ng isang pasyenteng may COVID-19 ng hanggang 50% gayundin ang Paxlovid ng Pfizer ng hanggang 89%.

Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa Southeast Asia na nakatanggap ng supply ng Molnupiravir.


Available na ang gamot para sa mga pasyenteng niresetahan nito sa pamamagitan ng Bayanihan E-Konsulta ng Office of the Vice President.

Libre rin itong iniaalok sa ilang ospital sa Maynila gaya sa Sta. Ana Hospital at Ospital ng Tondo.

Facebook Comments