Molnupiravir, available na sa mga health centers ng Taguig 

Inihayag pamahalaang lungsod ng Taguig na available na ang Molnupiravir, isang anti-viral drug na pwedeng gamitin para sa COVID-19 patients.

Ayon kay Mayor Lino Cayetano tatawag lang ang mga residente ng Taguig sa Telemedicine ng kanilang Barangay para makakuha o makahingi ng nasabing anti-viral drug.

Pero aniya, kailangan masuri muna ng doktor ang pasyente at ang kasalukuyan sitwasyon sa kalusugan.


Kung talaga ng kailangan anya, ipapa-deliver mismo sa bahay ng pasyente ang nasabing gamot.

Pahayag pa ni Cayetano na ginagawa lahat ng habang ng pamahalaang lokal ng Taguig upang natugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga residenteng tinamaan ng COVID-19 at mapigilan ang pagkalat pa ng virus.

Noong January 21, Biyernes, sa pangunguna ni Taguig Mayor Lino Cayetano, itinurn-over nito ang 10,000 capsules ng Molnupiravir sa City Health Office ng lungsod para Mabigayan ng gamot ang mga COVID-19 patients ng lungsod.

Ayon sa Institute of Clinical Epidemology, National Institute of Health ang Molnupiravir ay ginagamit sa panggamot sa confirmed COVID patients mula 18 years old pagtaas, na meron mild to moderate COVID-19 symptoms sa loob ng limang araw.

Facebook Comments