Mommy, gatas at diaper ang nirequest na regalo para sa birthday ng anak

Photo from Mhel Mella II profile

Usap-usapan pa rin sa social media ang isang mommy na nag-request ng gatas at diaper para sa 2nd birthday ng kanyang anak.

Kasabay ng imbitasyon ni Mae Mhella para sa birthday celebration ng anak niya, nag-iwan ito ng P.S kung saan ni-request niyang huwag nang laruan ang iregalo sa anak niya.

Matapos ang birthday, nag-update ulit si Mhel–nagpasalamat dahil natupad ang request nito at nagpost pa ng picture ng mga regalo ng bisita.


Umani ng magkaibang reaksyon ang post na ito.

May mga natuwa at nagsabing praktikal at dapat gayahin ang ginawa ng nanay.

Mayroon din namang mga nagsabing nakakahiya ito at hindi dapat idinidikta kung anong regalo ang dapat ibigay ng ibang tao.

Sa ngayon, umabot na sa 35K likes at 34K shares ang post na ito ni Mhel.

frame

Facebook Comments