Iginiit ni Columnist at Special Envoy to China Mon Tulfo na walang mali sa pagpapabakuna nito ng smuggled na bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Tulfo, nagpabakuna siya ng Sinopharm para patunayang epektibo ang bakuna matapos mag-apply na local distributor sa Pilipinas.
Sa katunayan aniya ay kasabay pa niyang nabakunahan ang iba pang opisyal ng gobyerno at alam nitong nakatanggap din ng bakuna ang mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG).
Kaugnay nito, pumalag ang Civil Service Commission sa pag-amin ni Tulfo na nabakunahan siya ng Sinopharm kasama ng ilan pang opisyal ng gobyerno.
Giit ni CSC Commissioner Aileen Lizada, batay sa Republic Act 9711 o FDA Act of 2009 at Special Counterfeit Law o RA 8203 na nagmamandato sa isang produkto na marehistro muna bago gamitin sa bansa.
Aniya, dapat ang mga civil servant ay kumilos ng naaayon sa RA 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.