Manila, Philippines – Ipinag-utos ng Court of Appeals (CA) ang pagpapatuloy sa pagdinig sa kasong money laundering laban kay Shabu Tiangge Operator Amin Imam Boratong at asawa niyang si Memie Boratong.
Ito ay matapos baliktarin ng Court of Appeals Special Second Division ang resolusyon ng Pasig City Regional Trial Court Branch 167 at Malolos RTC Branch 83 na nagbasura sa mga kasong money laundering laban sa mag-asawa.
Ayon sa CA, nagkamali ang lower court nang pagbigyan nito ang hiling ng mga Boratong.
Nakita rin ng Appellate Court na may sapat na basehan ang panel of prosecutors na nagsasabing may probable cause sa kaso.
Una nang hinatulan ng Pasig RTC ng habambuhay na pagkabilanggo si Imam Boratong noong 2009 dahil sa pag-operate ng shabu tiangge sa Pasig.