Monday, February 16, 2026

Mongolian national na suspek sa espionage-linked activities, inaresto ng BI sa Zambales

Matagumpay na naaresto ng Bureau of Immigration (BI), katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang law enforcement at intelligence agencies, ang isang Mongolian national sa Iba, Zambales dahil sa mga aktibidad na posibleng maging banta sa national security.

Kinilala ang naaresto na si Boldbaatar Bold-Erdene, 30 years old at graduating pilot student ng aviation school sa Brgy. Lipay Dingin, Iba, Zambales.

Sa official intelligence information nagtapos ang suspek bilang jet fighter pilot na may affiliation sa Chinese government.

Sa isinagawang flight exercises, napaulat na nagsagawa ng aerial photography ng Iba Airport at kalapit na Palauig River na may layong five nautical miles mula sa paliparan.

Ipinunto ng Bureau of Immigration na kaya hinuli ang foreign national ay dahil nakikisali ito sa mga aktibidad na hindi kasama sa kanyang visa status lalo na ang pagsasagawa ng mga aktibidad na banta sa national security.

Kasunod ng pagkakaaresto, agad dinala ang suspek sa BI Main Office sa Manila para sa booking, medical examination, at biometric processing at dinala sa Bureau of Immigration Warden Facility habang sumasailalim sa deportation proceedings.

Facebook Comments