MONITORING APPS | 2 mobile app, inilunsad ng DOH at DepEd

Manila, Philippines – Inilunsad ng Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH) ang mobile application para ma-monitor ang status ng mga estudyanteng nabakunahan ng Dengvaxia.

Sa pamamagitan ng partnership sa Galileo software services, Indra Philippines at Microsoft, dalawang monitoring apps ang maaring magamit ng mga magulang o guardian ng mga batang naturukan ng anti-dengue vaccine.

Ang mga apps ay: ‘RSVP’ o Register, Serve, Validate & Plan at ‘Abizo’


Paglilinaw naman ni Education Secretary Leonor Briones, hindi naman ito mandatory na i-download ng lahat ng mga magulang.

Aniya, ang mga magulang na interesadong mabantayan ang kalagayan ng kanilang mga anak ay maaring gamitin ang apps.

Sabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III, maari ring magamit ng mga Local Government Units (LGUs) ang health system.

Pero nilinaw ni Duque na nasa ‘gestation period’ pa ito kaya asahan na hindi ito active overnight at nakadepende sa database na kanilang ibibigay.

Facebook Comments