MONITORING AT COMMUNITY OUTREACH, INILUNSAD NG 2ND IPMFC AT DOST-ISABELA

CAUAYAN CITY – Naglunsad ng monitoring at community outreach activity ang 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company (IPMFC) sa Brgy. Villaflor, Cauayan City, Isabela nito lamang ika-5 ng Agosto.

Nagkaroon ng tree planting, Project H.E.A.L (Help Ease Adversities in Life) at libreng gupit para sa mga mamamayan.

Bukod dito, binahagian din sila ng kaalaman tungkol sa paggawa ng organic fertilizer sa pamamagitan ng Project UNLAD (Uplifting the Needy Thru Livelihood Assistance and Development).


Tinalakay rin ng 2nd IPMFC sa mga opisyales at residente ng barangay ang Knowing the Enemy- Community Anti-Terrorism Awareness (KTE-CATA).

Samantala, sinuri din ng grupo ang proyektong patubig at inirekomenda ang paglalagay ng filter upang mas maging malinis ang tubig nito.

Katuwang ng 2nd IPMFC ang Department of Science and Technology – Isabela (DOST – Isabela) sa pagsasagawa ng naturang aktibidad.

Facebook Comments