MONITORING AT INSPECTION NG SANITARY LANDFILL, ISINAGAWA SA QUEZON

CAUAYAN CITY- Pinangunahan ni Municipal Mayor Jimmy Gamazon Jr. ang monitoring at inspection ng Sanitary Landfill sa bayan ng Quezon, Isabela.

Bukod kay Mayor Gamazon, kasama ring nagtungo sa lugar ang Municipal Administrator, MDDRMO, MPDO, MCO, at mga kawani ng Municipal Engineering Office at Municipal Environment and Natural Resources Office.

Layunin ng nasabing inspeksyon na matukoy ang mga pangunahing pangangailangan ng Sanitary Landfill at rehabilitasyon na nararapat gawin upang mas mapagtibay ito.


Facebook Comments