Manila, Philippines – Nag-ikot sa mga supermarket ang Department of Trade and Industry (DTI) para patunayang hindi tumaas ang presyo ng pangunahing mga bilihin.
Ito’y mahigit dalawang linggo matapos umarangkada ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
Ayon kay DTI Undersecretary for Consumer Protection Ruth Castelo, pasok pa sa Suggested Retail Price (SRP) ang presyo ng mga pangunahing bilihin gaya ng tasty, pandesal, instant noodles, corned beef, luncheon meat, condensed, evaporated at powdered milk.
Sinabi naman Gusa Perez, Surveillance and Monitoring Division ng DTI, may ilan maliliit na supermarkets ang kanilang nasita na nagbaba naman ng presyo.
Pero sa pangkalahatan aniya, wala silang na-monitor na pagmahal sa presyo dahil sa TRAIN law.