
Pinagpapatupad ni Senator Sherwin Gatchalian ang mga lokal na pamahalaan ng monitoring mechanism para sa pagpapatupad ng pagbebenta ng ₱20 kada kilo ng bigas.
Ang rekomendasyon ng senador ay kasunod na rin ng pag-rollout ng bentahan ng ₱20 na kilo ng bigas sa Visayas.
Pinatitiyak ni Gatchalian na tanging mga targeted beneficiary na mahihirap ang siyang dapat na makinabang sa programa.
Pero para masigurong targeted recipients ang makikinabang at maiiwas sa posibleng pangaabuso ay iminungkahi ng senador sa mga local government units na magpatupad ng monitoring mechanisms na magbibigay garantiya sa pagtalima at accountability ng programa.
Samantala, iginiit naman ni Gatchalian na mas mahalagang makapagpatupad ang gobyerno ng estratehiya na magpapababa sa presyo ng pagkain sa pangmatagalang panahon kaysa sa mga pansamantalang solusyon.









