Dinepensahan ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang kanilang desisyon kung bakit naglatag ng mga animal quarantine checkpoints sa National Capital Region (NCR).
Sa panayam ng media kay DA Assistance Secretary at Spokesperson Arnel de Mesa isang istratehikong lugar ang NCR para mapigil ang posibilidad na mailipat sa Central at Northern Luzon ang bagong kasong ng African Swine Fever (ASF) sa Southern Luzon partikular na sa lalawigan ng Batangas.
Sabi ni De Mesa, nasa probinsiya ng Bulacan at Pampanga ang isinasagawang repopulation program na naglalayong itaas ang produksyon ng baboy sa bansa.
Batay aniya sa direktiba ni Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. kailangan gumawa ng karampatang mga hakbang para matiyak na hindi mahawa ng virus na galing ng Hilagang Luzon ang produksyon ng baboy sa Central Luzon.
Kahapon ay una nang naglatag ng walong Animal Quarantine Checkpoints sa ilang lugar sa Luzon anim dito sa NCR at dalawa naman sa Southern Luzon.
Bukod sa repopulation program sa Central at Northern Luzon, layunin din ng livestock checkpoints ang maproteksyunan laban sa ASF ang mga binibiling karne ng mga consumer sa Metro Manila.
Una nang pinigil ng DA-Bureau of Animal Industry (BAI), National Meat Inspection Service (NMIS) at LGU ang isang van na naglalaman ng imported frozen meat na naharang sa nagpapatuloy na animal checkpoint sa Commonwealth Avenue, Quezon City.