Patuloy ang monitoring ng Bureau of Fisheries and Aquatic Region 1 sa kalidad ng tubig sa mga katubigan ng Western Pangasinan kasunod ng nakitang dissolved oxygen level sa ilang bayan nitong Enero.
Ayon sa pinakahuling monitoring ng tanggapan noong January 21, nasa 3.82 milligram per liter at 3.26 mg/L ang dissolved oxygen level.
Ang naturang datos ay ‘manageable’ kasabay ng isinasagawang hakbang tulad ng stocking at feeding maliban na lamang umano kapag umabot sa 2 mg/L at pababa ang naitalang resulta kung saan inirerekomenda ang force harvesting.
Sa kasalukuyan, walang naitatalang forced or emergency harvest sa lalawigan base na rin sa Samahan ng Magbabangus sa Pangasinan o SaMaPa.
Aktibo ang koordinasyon ng tanggapan sa mga lokal na pamahalaan upang matutukan ang mga mariculture areas sa buong rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨