MONITORING SA MGA BYABYAHENGSASAKYAN NGAYONG HOLIDAY SEASON, TUTUKAN

Tututukan ng Land Transportation Office (LTO) Region 1 katuwang ang Department of Transportation (DOTr) ang kalagayan sa mga kakalsadahan ngayong Holiday Season.

Nauna nang nagkaroon ng pagpupulong ang mga concerned agencies bilang paghahanda ng ahensya alinsunod sa kampanyang Biyaheng Ayos: 2024 Pasko.

Binigyang-diin sa talakayan ang pagbibigay at pagkakaroon ng kamalayan kaugnay sa mga kakailanganing hakbangin upang matiyak ang kaligtasan sa mga kakalsadahan. Iginiit sa publiko ang nararapat na pagtalima sa land transportation laws, rules, at regulations.

Isa pa sa aantabayanan ay ang monitoring sa compliance ng mga public utility vehicles (PUVs), pribadong mga sasakyan, at road safety standards.

Tiniyak din ang pamamahala sa magiging daloy ng trapiko, at mahigpit na pagpapatupad ng mga traffic laws ukol sa overloading, driver fatigue, at iba pang mga posibleng pagmulan ng kaguluhan kakalsadahan.

Siniguro ng LTO Region 1 na kaisa ang tanggapan upang mapanatili ang kaligtasan ng mga pasahero at makapagdaos ng mapayapang kapaskuhan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments