Regular na nagsasagawa ng monitoring ang mga MENRO Bangar, La Union sa mga furniture at sash factories bilang bahagi ng pagpapatupad ng mga batas sa pangangalaga ng kagubatan.
Layunin ng monitoring na matiyak ang pagsunod ng mga establisyemento sa Presidential Decree No. 705 o Revised Forestry Code at Republic Act No. 9175 na kilala bilang Chainsaw Act of 2002.
Kabilang sa sinusuri ang legalidad ng mga kahoy na ginagamit, gayundin ang mga dokumentong nagpapatunay na ang mga wood products ay nagmula sa lehitimong pinagkukunan.
Sa pamamagitan ng regular na inspeksyon, mas pinaigting ang kampanya laban sa illegal logging at ang pangangalaga sa likas na yaman ng lalawigan.
Patuloy namang hinihikayat ng mga awtoridad ang kooperasyon ng mga may-ari ng furniture at sash factories upang mapanatili ang responsableng paggamit ng mga yamang-gubat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










