MONITORING SA MGA PAMPUBLIKONG SASAKYAN, MAS PAIIGTINGIN NG LTO NGAYONG PAPALAPIT NA PASUKAN

Mas paiigtingin ng Land Transportation (LTO) Dagupan District Office ang monitoring nito sa mga pampublikong sasakyan sa lungsod sa kasunod ng nalalapit na pagbubukas ng klase.
Sa isang panayam kay LTO District Office Chief Romel Dawaton, inilahad nito na mas hihigpitan nila ang pagbabantay lalo na sa mga maitatalang reklamo laban sa overcharging at overloading.
Layon ng tanggapan na masiguro na walang mang-aabuso sa muling pagdami ng mga pasahero.
Samantala, posibleng maglagay ng tauhan ang LTO sa mga malalaking lugar upang makatulong sa maayos na daloy ng trapiko.
Nananawagan naman ang tanggapan sa mga transport groups na maging responsable sa itinakda ng batas at para sa kaligtasan ng publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments