MONITORING SA MGA POOK PASYALAN SA ALAMINOS CITY, NAGSIMULA NA

Sinimulan na ang mahigpit na monitoring ng awtoridad sa mga pook Pasyalan sa Alaminos City na inaasahang dadagsain ngayong Semana Santa.

Isa-isang binisita ng lokal na Pamahalaan ang mga establisyimento, mga bangka at iba pang pasilidad para sa turista sa lungsod.

Bahagi ito ng Oplan Summer Vacation 2025 bilang pagtitiyak sa seguridad at kaligtasan ng mga bibisita sa lugar.

Ilang sa mga mahigpit na tinututukan ay ang Hundred Islands National Park, Bolo Beach, Lucap Park at Mangrove Park na isa sa mga sikat na pasyalan sa lungsod.

Nauna nang Nagsagawa ng pagpupulong ang Alaminos City Tourism and Cultural Affairs Office at mga bangkero mula sa iba’t ibang asosasyon sa Lucap, Bolo, at Bued kung saan tinalakay ang pagtitiyak sa maayos na operasyon ng mga pook Pasyalan at pagpapatupad ng “drop-and-pick” scheme para sa island hopping.

Sa naturang scheme,papayagan ang mga bisita na bumisita sa tatlong isla: 15 minuto bawat isa sa unang dalawang isla, at ibababa naman sa ikatlong isla kung saan susunduin sila sa takdang oras.

Maliban sa pulisya, Nakaantabay din ang CDRRMC Response Cluster para sa pagsisiguro na magkakaroon ng maayos at ligtas na bakasyon para sa mga turista.

Hinihikayat rin ang publiko na tumawag sa mga emergency hotlines sakaling magkaroon ng anumang insidente tulad ng sunog, aksidente at nangangailangan ng ng medikal na tulong. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments