MONITORING SA NANGYARING PAGYANIG SA MACONACON, NAGPAPATULOY

Cauayan City – Niyanig ng 4.8 magnitude na lindol ang bayan ng Maconacon, Isabela kahapon ika-16 ng Hulyo taong kasalukuyan.

Dahil dito, patuloy ang ginagawang monitoring ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 sa pamamagitan ng Disaster Response Management Division para sa posibleng update o aberya kaugnay sa naramdamang pagyanig.

Ayon sa Municipal Social Welfare Development Office ng bayan ng Maconacon, wala namang naitalang nasaktan o nasugatan sa nangyaring pagyanig.


Samantala, sinisiguro ng DSWD FO2 na may mga nakahandang food and non-food items na maaaring ipamahagi, sakali man na may mga pamilyang posibleng naapektuhan ng naganap na paglindol.

Facebook Comments