Monkeypox virus, tatawagin ng “MPOX” — WHO

Tatawagin na ang monkeypox virus bilang “MPOX”.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang nasabing sakit ay may taglay na racism at stigmation, kaya nais nilang tugunan sa pagpapalit ng tawag na MPOX.

Dagdag pa ng WHO, gagamitin ang MPOX sa loob ng isang taon, habang pini-phase out ang salitang monkeypox.


Nabatid na ang monkeypox ang itinawag sa naturang sakit noong 1970 nang makumpirma ang mga unang kaso nito sa tao, kung saan ang virus na may dala nito ay una namang nadiskubre sa mga hinuling unggoy sa Denmark noong 1958.

Facebook Comments