UMAPELA ang mga residente ng Cerritos Heights, sa pamamagitan ng Cerritos Heights Homeowners Association Inc. (CHHAI), para sa instalasyon ng fiber internet at landline facility sa kanilang subdivision sa Molino 4, Bacoor City, Cavite.
Sa isang petisyon, inireklamo ng mga residente ng Cerritos Heights Phases 1 at 2, Cerritos Terraces, at Cerritos Hills Phases 1, 2, at 3 na ang Planet Cable lamang ang tanging provider ng fixed internet sa lahat ng phases ng kanilang subdivision.
Ayon sa mga petitioner, dahil sa monopolyo ay napipilitan silang magtiis sa hindi magandang serbisyo at ‘inefficient customer support’ ng Planet Cable.
“We wish to assert our right to enjoy the benefits of competition, especially in getting the best possible internet provider. The need for reliable connectivity is even more pronounced today, especially as the uncertainty over the COVID-19 pandemic is forcing everyone to adapt to the new normal. This means work-from-home is no longer an option but a requirement in order to keep jobs. Students will also transition to online learning because this is now part of the Philippine education system,” pagbibigay-diin ng mga residente.
Binatikos ng mga petitioner ang Planet Cable na pag-aari ng kanilang developer, ang Villar Group, dahil sa pagkakait umano sa kanila ng pribilehiyo na mag-apply para sa landline phone service.
Anila, nabigo ang kanilang developer na magkaloob ng telephone facility para sa mahigit 2,000 tahanan sa kanilang subdivisin, “sa pangamba marahil na magbigay-daan ito para sa internet competition.”
“This is a complete disservice to us, especially now that Bacoor is part of the Metro Manila line. Having a landline in our homes would have allowed us who work in the central business districts of the National Capital Region to reach our loved ones easily, without incurring call charges,” dagdag ng CHHAI.
Umaasa ang CHHAI na ang kanilang petisyon ay agad na aaksiyunan ng pamahalaan, lalo na ang Brgy. Molino IV, city government ng Bacoor, National Telecommunications Commission, Housing and Land Use Regulatory Board at ang Philippine Competition Commission, gayundin ang mga pribadong telecommunication providers — Globe Telecoms, PLDT, at Converge — para tuluyang tuldukan ang monopolyo ng Planet Cable.