“MOOD SHOT” | BB Gandanghari, pinawi ang pangamba ng mga netizen

Manila, Philippines – Ito ang sinabi ngayon ni BB Gandanghari sa kanyang followers matapos mabahala ang ilang netizens sa kanyang  hitsura sa isang instagram post.

Nabatid kasi na noong July 2, nag-post ang U.S.-based celebrity ng isang “mood shot” na may caption ng “#deadend”.

Sa comments sections, marami ang nagpahayag ng pagkabahala sa hitsura ni BB pero tiniyak niya na nasa mabuti siyang kalagayan.


Say pa ni BB, isa itong “mood shot” at “editorial look” bilang isang modelo kung saan siya na din ang nagsasabing hindi maganda ang hitsura niya sa litrato and “that’s the whole point.”

Sa kabila nito, pinasalamatan naman ni BB ang netizens na pumuri sa kanyang larawan.

Facebook Comments