Inatasan na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group at PNP Internal Affairs Service na bumuo ng mga hakbang para maiwasan ang moonlighting activities ng ilan nilang mga tauhan.
Ang kautusan ni Marbil ay kasunod na rin nang pagkakahuli nitong Lunes kay Staff Sergeant Rafael Boco Jr., na naka-assign sa motorcycle unit ng Highway Patrol Group NCR na nagbibigay ng VIP security escort kasama ang isang na-dismiss na sundalo.
Nauna rito, dalawang tauhan din ng Special Action Force ang nahuling nagsisilbi bilang mga private security ng isang dayuhan sa Ayala Alabang.
Giit ng PNP chief na walang masama na rumaket o sumideline ang mga pulis basta’t itoy sa labas ng kanilang duty hours at walang conflict of interest sa kanilang trabaho.