Manila, Philippines – Aminado ang ilang mga kawani ng Bureau of Customs (BOC) na bagsak na ngayon ang kanilang moral dahil sa nangyaring kontrobersiya kaugnay sa pagpasok ng 6.4-billion peso shabu shipment.
Ayon sa hepe ng BOC Employees Association Remy Princesa, halos wala na silang maipakitang mukha sa publiko dahil sobrang apektado umano sila sa kahihiyan ng ahensya.
Lalong nadagdagan umano ng magpriledge speech si Senator Ping Lacson kanina tungkol sa Tara System sa Customs kung saan lubhang ikinadismaya nila ang naturang sistema.
Paliwanag ni Princesa, madalas umanong iniinsulto ang mga empleyado kapag nalalamang taga-Customs sila pumapasok kahit wala naman silang kinalaman sa naturang katiwalian.
Dagdag pa nito masama rin ang loob ng mga empleyado sa resignation ni Commissioner Nicanor Faeldon dahil hindi na mapipirmahan ang mga empleydong mapo-promote.
Giit ni Princesa, dapat imbestigahan ng tama at walang kinikiliang ang isyu, idiin ang mga may sala at huwag idamay ang mga matitinong empleyadong na nagtatrabaho lamang.
Ayaw naman magsalita ang ilang mga empleyado tungkol sa ibinulgar ni Lacson dahil natatakot sila na baka sila ay pag-iinitan ng kanilang mga kasamahan sa trabaho.