Moral ng mga pulis ng SPD, nananatiling mataas

Pumirma na ng kani-kanilang courtesy resignation ang 67 mga heneral at colonel ng National Capital Region Police Office o NCRPO.

Sagot ito ng NCRPO sa panawagang courtesy resignation ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos sa harap ng pagkakasangkot sa iligal na droga ng ilang matataas na opisyal ng PNP.

Kanina, magkakasunod na dumating sa Hinirang Multi-purpose hall sa Camp Bagong Diwa sa Taguig sina NCRPO Regional Director Jonnel Estomo at ang mga opisyal nito.


Unang inanunsyo ni Estomo ang pagpirma niya sa kanyang sariling courtesy resignation bilang pagpapakita ng suporta sa internal cleasing ng DILG sa hanap ng Pambansang Pulisya.

Lahat ng courtesy resignation ng NCRPO officials ay isusumite sa tanggapan ni Sec. Abalos at sa tanggapan ng pangulo.

Facebook Comments