Moral turpitude, hindi batayan para ma-disqualify si BBM ayon sa kaniyang kampo

Iginiit ng kampo ni presidential aspirant Bongbong Marcos Jr. na hindi pwedeng maging grounds para sa disqualification ang moral turpitude.

Ayon sa tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic rodriguez, taglay ni Marcos ang lahat ng qualifications para tumakbo, mangampanya at maglingkod sa mga Pilipino at hindi ang disqualifications.

Ipinaliwanag ni Rodriguez na iba naman ang kaso ni Marcos na pagkabigong maghain ng Income Tax Returns sa sinasadyang hindi magbayad ng buwis na totoong isang moral turpitude.


Facebook Comments