Morale ng mga tauhan ng DOH, apektado ng isinasagawang imbestigasyon ng Ombudsman

Aminado ang Department Of Health (DOH) na apektado ng imbestigasyon ng Ombudsman ang morale ng mga tauhan ng ahensya.

Ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, sa loob ng dalawang taong lumalaban ang kagawaran sa iba’t ibang epidemya, hindi nila akalaing aabot sa puntong iimbestigahan sila ng Ombudsman.

Giit ni Vergeire, naging transparent ang DOH sa publiko pagdating sa mga datos nito hinggil sa COVID-19 cases.


Nilinaw naman ng opisyal na handa nilang tuparin ang kanilang mandato sa kabila ng nangyayari.

Matatandaang ipinag-utos ni Ombudsman Samuel Martires na magsagawa ng motu propio investigation laban sa umano’y iregularidad at anomalya ng mga opisyal at empleyado ng DOH sa gitna ng pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Babala ng Ombudsman, mahaharap sa mga kasong administratibo gaya ng gross inexcusable negligency, inefficiency o gross incompetence ang DOH kung hindi sila makikipagtulungan.

Facebook Comments