Morale ng PNP, hindi naapektuhan sa pamamaril ni Police Senior Master Sgt. Nuezca sa mag-inang Gregorio

Bagama’t aminadong nalungkot sa ginawang karumal-dumal na pagpatay ni Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca sa mag-inang Gregorio sa Tarlac noong Linggo.

Hindi naman bumaba ang morale ng Pambansang Pulisya sa kabuuan.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni PNP Spokesperson PGen. Ildebrandi Usana na mandato pa rin ng Pambansang Pulisya na protektahan ang estado.


Kasunod nito, marami rin aniyang accomplishments ang PNP tulad ng pagkakakumpiska kamakailan ng higit P200 milyon halaga ng shabu na dapat din namang tignan o kilalanin ng publiko.

Una nang kinondena ng pamunuan ng PNP ang pamamaril ni Nuezca sa mag-inang Gregorio kung saan tiniyak nilang maigagawad ang hustisya sa mga biktima.

Facebook Comments