Morales, itinangging protektor ng ‘sindikato’ na nakikinabang sa mga iregularidad sa PhilHealth

Mariing itinanggi ni PhilHealth President Ricardo Morales na kinakanlong niya ang umano’y sindikato na nakikinabang sa mga iregularidad sa ahensya.

Sa pagdinig ng Senado, iginiit ni Morales na wala siyang pinoprotektahang sinuman na may ginagawang mali sa PhilHealth.

Humiling si Morales ng executive session para ilatag sa mga senador ang kaniyang mga hakbang para mawala ang korapsyon sa ahensya.


Kinausap ni Morales ang tatlong PhilHealth executives na magleave of absence habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Ipinag-utos din niya ang paglipat ng mga opisyal sa regional offices para bigyang daan ang patas na imbestigasyon.

Ibinunyag din sa pagdinig ng resigned anti-fraud officer na si Thorrsson Montes Keith na ang mga miyembro ng sindikato sa PhilHealth ay siyang mga matataas na opisyal nito.

Sinabi ni PhilHealth Board Member Alejandro Cabading na ang apat na opisyal na bahagi ng “mafia” ay sina Senior Vice President for Fund Management Sector Renato Limsiaco, Senior Vice President for Legal Sector Atty. Rodolfo del Rosario, Senior Vice President for Management Services Sector Dennis Mas at PhilHealth Board of Directors Corporate Secretary Jonathan Mangaoang.

Itinanggi naman ng mga nasabing opisyal ang akusasyon ni Cabading.

Mayroong 20,000 reklamong katiwalian ang natanggap ng PhilHealth legal sector.

Facebook Comments