Moratorium sa housing amortization, ipinag-utos ng DHSUD para sa miyembrong naapektuhan ng Bagyong Kristine

Ipinag-utos ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa mga pangunahing shelter agencies na bigyan ng moratorium sa housing amortization ang kanilang mga miyembrong naapektuhan ng Bagyong Kristine.

Partikular na magpapatupad ng moratrium sa housing amortization ay ang Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund, National Housing Authority (NHA), Social Housing Finance Corporation (SHFC) at ang National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC).

Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, nakikipagtulungan na sila sa mga lokal na pamahalaan na apektado ng bagyo para sa mabilis na proseso ng mga aplikasyong isinumite ng mga apektadong pamilya sa ilalim ng Integrated Disaster Shelter Assistance Program (IDSAP).


Sa ilalim ng IDSAP, ang DHSUD ay nagbibigay ng cash assistance na ₱30,000 para sa mga nasirang bahay dahil sa kalamidad at ₱10,000 para sa mga nangangailangan ng minor na pagkukumpuni.

Facebook Comments