Moratorium sa importasyon ng bigas, hiniling na pag-aralan na

Hinimok ni Magsasaka Partylist Representative Argel Cabatbat ang mga kaukulang ahensya ng Gobyerno na pag-aralan ang pagpa-patupad ng moratorium sa importasyon ng bigas.

Ito ay kasunod ng pagkaalarma ni Pangulong Duterte sa pagbagsak ng kabuhayan ng mga magsasaka at ang pagkakatala sa Pilipinas bilang biggest rice importer sa buong mundo kung saan naungusan pa ng bansa ang China.

Pinayuhan ni Cabatbat ang Department of Agriculture at iba pang ahensya na pag-aralan ang pagpapataw ng moratorium sa pag-aangkat ng imported na bigas.


Iginiit ng kongresista na ang sitwasyon ngayon ng mga local farmers ay dapat maging hudyat na dapat resolbahin agad ang problema.

Sinabi pa ng mambabatas na ang tanging solusyon lamang ay tanggapin na palpak ang Rice Tarification Law at kailangan na maglatag agad ng mga polisiya para masuportahan ang ating mga magsasaka.

Kinalampag din ni Cabatbat ang mga kapwa mambabatas na nagsulong noon ng RTL na makiisa para i-tama ang mga butas ng batas sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments