Moratorium sa loan ng LGUs, palalawigin

Lusot na sa House Committee on Banks and Financial Intermediaries ang panukala na layong i-regulate ang saklaw ng moratorium sa loan ng mga credit facilities sa Local Government Units (LGUs).

Inaprubahan sa komite “subject to style and amendments” ang House Bill 6899 ni Navotas Rep. John Reynald Tiangco na layong palakasin at palawigin ang monetary at fiscal policies nang sa gayon ay madagdagan ang financial capacity ng LGUs sa kanilang mga programa at proyekto sa mga constituents ngayong may COVID-19 pandemic.

Sa ilalim ng panukala ay bibigyan ng dalawang taon na grace period ang lahat ng loans ng LGUs na sakop sa community quarantine period.


Bukod sa mahabang panahon na moratorium ay tatanggalin din dito ang singil sa interest, penalties, fees and other charges.

Umaasa naman ang may akda ng panukala na maisasabatas ito sa lalong madaling panahon upang matulungan ang mga LGUs na tugunan ang epekto ng pandemya sa kanilang mga lugar.

Facebook Comments