Moratorium sa mga field trips sa pampublikong paaralan sa bansa – posibleng palawigin pa ng Dept. of Education

Manila, Philippines – Posibleng palawigin pa ng Department of Education ang moratorium na ipinatupad sa mga field trip sa mga pampublikong elementary at high schools.

Paliwanag ni Education Undersecretary Jesus Mateo – iimbestigahan pa ng technical working group ang mga polisiya tungkol sa mga educational trip.

Dagdag pa ni Mateo, hinihintay pa nila ang magiging desisyon din ng Commission on Higher Education, lalo’t ito ang unang nagpatupad ng moratorium.


Matatandaang ipinahinto muna ang mga field trips hanggang Hunyo matapos ang malagim na aksidenteng kinasangkutan ng mga college students sa Tanay, Rizal kung saan 11 ang napatay.

DZXL558

Facebook Comments