Moratorium sa pagbabayad ng SSS at Philhealth contribution sa mga OFW inihirit ng mga manggagawang Sea at Land Base

Nais ng ibat ibang grupo ng manggagawang ng Sea Base at Land Base na magkaroon ng Moratorium sa pagbabayad ng SSS at Philhealth Contribution.

Sa ginanap na Presscon sa Manila sinabi ni Philippine Association of Services Exporters Inc. Vice  President Raquel Bracero na  ang Mandatory Collection Premiums  na bagong SS and Philhealth Premium Hikes ay malaking dagok sa mga OFW  lalong nagpapahirap sa kanilang hanay.

Paliwanag naman ni dating Chairman ng Philippine Association of Service Exporter Inc. Lito Soriano na walang dahilan para  mangolekta ng SSS at Philhealth Premium Hikes dahil hindi pa naman sila nagtatrabaho at  wala pa naman silang kinita na posibleng  lalong pagbagsak lamang ng demand ng mga Pilipino dahil sa naturang kontribusyon.


Giit ni Soriano na lalong malalagay lamang ng balag ng alangin sa mga manggagawang magbigay ng magandang  trabaho dahil hindi sila bibigyan ng Overseas Employment Certificate kapag hindi nakapagbayad ng SSS at Philheath Contribution.

Facebook Comments