Moratorium sa pagbabayad ng utang sa lupa ng mga kwalipikadong magsasaka, pinalawig ni PBBM ng dalawang taon

Pinalawig pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang moratorium sa pagbabayad ng utang sa lupa ng mga kwalipikadong magsasaka ng dalawang taon.

Ito ang inihayag ng pangulo sa presentasyon ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng New Agrarian Emancipation Act, ngayong hapon sa Department of Agrarian Reform (DAR) Central Office sa Quezon City

Ayon kay Pangulong Marcos, nilagdaan niya ang two-year extension ng Executive Order No. 4, s. 2023, dahil merong ibang mga benepisyaryo ang hindi nakaabot sa unang IRR.


Dagdag pa ni Pangulong Marcos, napakahalaga ng ginagampanan ng mga magsasaka sa bansa para matiyak na may sapat na pagkain, at produktong agrikultura.

Dahil dito, naglaan ng moratorium ang pamahalaan sa pagbabayad ng principal obligation at interes sa amortization na babayaran ng mga Agrarian Reform Beneficiaries, kung saan isasama rin ang mga hindi sakop ng New Emancipation Law.

Facebook Comments