Moratorium sa pagpapauwi ng mga LSI sa Western Visayas, inalis na ng IATF

80

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbiyahe ng mga residenteng pabalik sa Western Visayas.

Ito ay matapos na aprubahan ng IATF ang partial lifting ng suspensyon ng inbound travel ng mga Locally Stranded Individual (LSI).

Kabilang sa mga probinyang bukas na muli sa mga LSI ang Guimaras, Iloilo, Negros Occidental at Antique kasama na ang Iloilo City sa Region VI.

Sa ilalim ng resolusyon, tanging mga LSI lang ang papayagang makapasok sa Western Visayas at hindi kasama rito ang mga turista at casual visitors.

Facebook Comments