Ipinunto ng isang constitutional expert na isang hayagang paglabag sa konstitusyon ang proseso ng pag-take-over ng More Power and Electric Company(MORE Power) sa Panay Electric Company(PECO).
Para kay Ateneo School of Governance Dean Antonio La Viña, nagmarka nang hayagang paglabag sa saligang batas ang pagkamkam ng MORE power sa PECO.
Ang MORE power, na isang mining company na walang karanasan o napatunayang rekord sa sektor ng enerhiya at Kuryente, ang siyang napagkalooban ng prangkisa at otoridad na makapag-operate bilang distributor ng Kuryente sa Iloilo, pitong buwan na ang nakalilipas.
Magkagayunman, mula sa panahong iyon at hanggang sa kasalukuyan ay hindi man lamang ito namuhunan sa real estate, substations, machinery, o anumang uri ng equipment na nagsasabing natupad na nila ang mandato na makapamahagi ng Kuryente sa Iloilo City. Sa halip, ay iligal nitong kinamkam ang ari-arian o assets ng PECO na sa mahigit dalawampung taon nang walang humpay at walang paltos na nagseserbisyo sa taumbayan ng Iloilo.
Salig sa section 10 ng Republic Act 11212, nakasaad na binibigyan ng karapatan ang MORE Power na gampanan ang kapangyarihan para sa eminent domain, ito ay nagbibigay pahintulot sa kanila na kunin ang property assets ng kanilang predecessor—pero ito ay kung batid o alam na nila ang layunin ng prangkisa. Subalit, ang assets na kanilang kinuha ay kasalukuyan nang tumatakbo para sa pampublikong operasyon sa ilalim ng PECO.
Sabi ni Dean La Viña, ang Section 10 ng RA 11212 ay maituturing na “patently overly-broad and confiscatory,” binigyang-diin nito na ang naturang partikular na “grant of authority to expropriate” ay naglalaman ng inclusions na hindi nakasaad sa ibang prangkisa na may kaparehong uri.
Inihayag din nito na mayroong “substantial” violation o malinaw na paglabag sa due process dahil ang private property ay kinuha mula sa pribadong nilalang para sa kapakinabangan ng isa pang private entity.
Batay naman sa nakasaad sa Section 17, ay binibigyan ang MORE power na dalawang taong panahon kung saan sila ay dapat mag-establish ng operasyon para sa distribution facilities. Kung hindi nila iyon makakamit ay mapapawalang-bisa ang kanilang prangkisa. Ibig Sabihin ay ang pag-kamkam sa ari-arian ng iba ang mas mabilis na naging tugon ng MORE power sa halip na magtayo ng kanilang sariling pasilidad.
Naninindigan si La Viña na nilabag ng MORE Power ang mga karapatan ng PECO sa pag-aari at due process.
Iligal aniya ang pagkuha sa assets ng PECO dahil ang mga katapatan na ito ay nanatili sa sinumang napagkalalooban ng prangkisa ng kongreso.
Ang taktika ng MORE Power, maliban pa sa kakulangan nila ng karanasan, competence, at expertise sa sektor ng enerhiya ay siya ngayong nagdudulot ng seryosong danyos sa mga negosyo, hanap-buhay, at pamumuhay ng mga taga-Iloilo.
Sa pinakahuling press conference held ng consumer group Koalisyon Bantay Kuryente (KBK), sinabi ni Allen Aquino, coordinatore ng grupo, na hanggang sa kasalukuyan ay nagdurusa ng hanggang 13 oras na power outages o pagkawala ng Kuryente ang mga konsumedor.
Aniya, pilit na pinagtatakpan ng MORE power ang kanilang kapalpakan na nagresulta na ng labis-labis na systems loss charges at lampas na sa mandated cap ng Energy Regulatory Board Commission na 6.25%.
Ang hakbang na ito ay nagdulot na ng P20.9 million na fraudulent consumer charges.