Moreno – Ong tandem, inaasahang maghahain na ng COC ngayong araw

Inaasahang ngayong araw na maghahain ng certificate of candidacy (COC) sina Manila Mayor Isko Moreno at running mate na si Dr. Willie Ong para sa pagpresidente at pagkabise-presidente sa darating na eleksiyon 2022.

Sa inilabas na pahayag ng campaign team ni Moreno, isasabay ang paghahain ng COC sa Feast of St. Francis of Assisi na siyang pinagmulan ng tunay na pangalan ng alkalde na Francisco Domagoso.

Habang ngayong araw din ang kaarawan ng namayapang si German Moreno, host ng “That’s Entertainment” kung saan nagkaroon ng break si Moreno bilang aktor.


Naging councilor ng Maynila si Moreno noong 1998 hanggang 2007 at naging bise-alkalde noong 2007 hanggang 2016.

Tumakbo rin ito sa pagkasenador noong 2016 ngunit natalo pero nagwagi nang tumakbo bilang alkalde ng Maynila nitong 2019.

Facebook Comments