Nakatakdang mamuhunan sa Pilipinas ang multinational investment firm na Morgan Stanley.
Ito’y para suportahan ang development agenda ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Nakapulong ng pangulo si Gokul Laroia, Chairman ng Asia Pacific ng Morgan Stanley sa sidelines ng World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.
Ipinaalam ni Laroia kay Pangulong Marcos ang plano nitong maglagay ng opisina sa Maynila.
Ayon sa Morgan Stanley Official, nasa tamang direksyon ang pangulo na isali ang pribadong sektor sa pagsusulong ng mga proyektong pang-imprastraktura.
Nakahikayat rin aniya ang Sovereign Wealth Fund na isinusulong ng administrasyon dahil maraming imprastraktura ang magagawa rito sa hinaharap.
Facebook Comments