Morissette Amon, bumida sa Asia Song Festival 2017

South Korea – Taas-noong dinala ni Morissette Amon ang pangalan ng bansa sa Asia Song Festival 2017 sa Busan, South Korea.

Nag-trending at nag-number 1 pa ang video ni Morisette sa Youtube matapos nitong kantahin sa festival ang Secret Love Song at medley ng Best of My Love at Emotion ni Mariah Carey.

Sobrang proud naman at masaya ang 21-anyos na singer sa pagkakapili sa kanya para sa nasabing music festival.


Facebook Comments