Morissette, sinagot ang akusasyong nakipag-live in umano siya

“Walang live-in.”

Ito ang naging sagot ni Asia’s Phoenix Morissette Amon sa naging patutsada ng ama nito na si Amay Amon na aminadong hindi boto sa kaniyang boyfriend na si Dave Lamar.

Say ni Mori – hindi naman kasi siya nakipaglive-in sa kaniyang boyfriend kundi nakitira lang sa bahay ng kaniyang kaibigan na si Audie Zamora sa isang exclusive village.


Dagdag pa ni Morisette, bago umalis ay iniwan niya sa kaniyang pamilya ang kaniyang savings sa banko na naglalaman ng mahigit 20 to 30 million pesos.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng career ni Mori hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo sa kabila ng isyu sa kanyang pamilya.

Samantala, itinanggi ng anak ng Pambansang Kamao na si Jimuel Pacquiao ang akusasyon na ginagamit umano ng kanyang ex-girlfriend na si Heaven Peralejo ang kanyang credit card para ipag-grocery ang pamilya nito.

Ayon kay Jimuel – hindi niya alam kung saan nanggaling ang nasabing isyu pero hindi aniya sila nag-go-grocery nang magkasama.

Una na ring itinanggi ng dalaga na walang katotohanan ang usap-usapan matapos ang kanilang hiwalayan.

Facebook Comments