MANILA – Tinanggap na ni Moro National Liberation Front Founding Chairman Nur Misuari ang alok ng gobyerno para sa usapang pangkapayapaan.Sa pagkikita nina Pangulong Rodrigo Duterte at Misuari sa Malakanyang ay muling ipinahayag ng pangulo ang kanyang suporta sa pagbuo ng Bangsamoro.Matatandaang may pending warrant of arrest si Misuari para sa kasong rebelyon kasama na ang iba pang opisyal ng MNLF hinggil sa 2013 Zamboanga Seige.Mula noon ay nagtago na si Misuari pero sa paghaharap nila ng pangulo, mismong si Pangulong Duterte pa ang nag-anunsyo na sinuspinde na ng korte ang warrant of arrest laban sa kaniya.Nagpasalamat naman si Misuari sa imbitasyon at sa utos ni Pangulong Duterte na pansamantalang suspendihin ang kanyang warrant of arrest.Ayon pa kay Misuari, hindi pa laos ang kanyang puwersa taliwas sa mga lumalabas na balita.Maliban dito ay nangako rin si Misuari na susuportahan ang kampanya ng gobyerno para sa kapayapaan.
Moro National Liberation Front Chairman Nur Misuari, Tinanggap Ang Alok Na Usapang Kapayapaan Ng Gobyerno
Facebook Comments