MORTAR SHELLING | 7 pinaghihinalaang miyembro ng BIFF, sawi sa operasyon sa Maguindanao

251

Maguindanao – Pitong pinaghihinalaang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang patay matapos ilunsad ang mortar shelling at surgical operations ng militar sa Barangay Darampua, Sultan sa Barongis, Maguindanao.

Kinilala ang mga nasawing BIFF terrorists sa mga alyas lamang na Abdullah, na sub –commander ng grupo; isang alyas Rasul, bayan, Hamdan, Abubakar, Tima at Hairiya.

Ayon kay Brig. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng army’s 6th Infantry Division (ID), nagpakawala ng mortar shelling at howitzer ang tropa ng army’s 601st Infantry Brigade laban sa grupo ni BIFF sub-commander Salahuddin Hassan sa ilalim ng paksyon ni Abu Torayfe.


Ang BIFF na sangkot sa extortion at serye ng pambobomba sa Central Mindanao ay nahahati sa tatlong paksyon kung saan bukod sa mga fighters ay may mga bomb expert sa naturang grupo.

Sa ngayon, patuloy naman ang clearing operation sa lugar ng tropa ng military.

Facebook Comments