Inumpisahan na ng ilang mga pagamutan at klinika sa Moscow, Russia ang pagbabakuna ng booster shots kontra COVID-19 upang mapigilan ang banta ng pagkalat ng COVID-19 Delta variant sa kanilang lungsod.
Ayon sa Health Ministry, isa ang Russia sa kauna-unahang bansa na naglunsad ng booster shot sa mga indibidwal na fully vaccinated na kontra sa virus.
Paliwanag ni Moscow Mayor Sergei Sobyanin na ang apat na rehistradong bakuna kontra COVID-19 ay maaaring gamitin bilang revaccination.
Samantala, nag-isyu naman ng bagong regulasyon ang Health Ministry nitong Miyerkoles sa muling pagbabakuna ng mga mamamayan.
Facebook Comments