Mosque sa Mosul, binomba ng ISIS – fighter jet, nag crash sa Texas

71

World – Pinasabog ng Islamic state militants ang Grand Al-Nuri Mosque sa Mosul.

Naganap ang insidente habang papalapit na ang mga Iraqi security forces para mabawi ang lugar.


Samantala – sugatan ang isang F-16 pilot makaraang masunog at tuluyang bumagsak ang pinalilipad nitong jet fighter sa Ellington Airport sa Houston, Texas.

Agad na isinugod sa ospital ang hindi kinilalang pilot na miyembro ng air national guard ng Amerika matapos ang crash.

Sa ibang balita – iniimbestigahan na ng mga otoridad ang anggulong terorismo sa pagnanaksak sa isang pulis sa bishop international airport sa Flint, Michigan.

Agad namang naisugod sa ospital ang biktimang si Lt. Jeff Neville at stable na ang kondisyon.




*

Facebook Comments