Makaraang buksan sa publiko ang “Mosques Around the World” exhibit ng ARMM Government sa regional seat nito dito Cotabato City noong May 11, 2018, dinarayo at dinagsa na ito ng mga residente mula sa iba’t-ibang bahagi ng ARMM at central Mindanao.
Itinatampok sa exhibit ang 24 na miniatures o maliliit na imahe ng mga kilalang mosques sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.
Matatandaang pinangunahan nina ARMM Executive Secretary Lasia Masuhud Alamia, Sitti Djalia Turabin-Hataman, Anak Mindanao (AMIN) foundation executive director, at Norkhalila Mae Mambuay Campong, chief of staff ng Office ng Regional Governor, ang isinagawang ribbon cutting ceremony.
Ang miniatures ay likha ng regional line agencies bilang bahagi ng selebrasyon Pakaradjaan 2018 at ng pag-obserba ng banal na buwan ng Ramadan.
Ang ahenya na may pinakamagandang miniature mosque ay bibigyan ng P200,000 cash prize; P150,000 para sa 2nd placer at P100,000 naman sa third placer.
Mosques around the World exhibit ng ARMM, dinadagsa!
Facebook Comments