MOSQUITO TREATED NETS, SINIMULAN NANG IKINAKABIT SA MGA CLASSROOMS NG BAWAT PAARALAN SA DAGUPAN CITY BILANG PAG-IWAS SA DENGUE

Tuloy – tuloy ang pagkakabit ng mga mosquito treated nets sa mga classrooms ng bawat paaralan sa Dagupan City bilang isa sa kanilang hakbang sa pag-iwas sa nakamamatay na sakit na Dengue.
Bagamat tuloy pa rin ang mga misting operations sa mga paaralan sa lungsod ay doble pa rina ng kanilang mga isinasagawang paraan para mapuksa ang dengue at hindi malagay sa kapahamakan ang mga estudyanteng magbabalik eskwela na.
Gaya sa West Central 1 elementary School kung saan lahat ng kindergarten classrooms ay nalagyan na ng mga mosquito treated nets at patuloy naman ang pakikipag ugnayan ng paaralan sa health authority para lahat ng classroom ay malagyan ng mga naturang nets.

Ayon sa mga guro, malaking tulong ang pagkakabit ng mga mosquito treated nets para maprotektahan ang mga bata sa maaaring banta ng Dengue lalo pa at bahain talaga sa Dagupan City at maaaring maipon ang mga tubig baha sa mga bahagi ng eskwelahan na mababa.
Prayoridad naman ng City Health Office na unahin na malagyan ng mga mosquito treated nets ang mga paaralan sa lungsod lalo na sa mga mabababang bahagi at bahain.
Sa kasalukuyang datos ng CHO, umabot na sa limamput dalawa ang suspected cases ng Dengue sa lungsod ng Dagupan mula January 1- August 15, 2023. |ifmnews
Facebook Comments